"A single bullet can kill a person instantly and a Pen can kill thousand more by a single sheet of paper."

Home » Post Item » Fish Kill sa Pilipinas

Fish Kill sa Pilipinas

June 14, 2011

By Aaron Testado

Sa Pilipinas, isa sa pangunahing kabuhayan ay ang agrikultura at yamang dagat. Ito dapat ang sanay bubuhay sa ating mga kababayan. Isang isinisisi rito ay kakulangan sa pondo, tulong mula sa gobyerno at kaalaman upang ito’y mapalago. Dahil ang mga magsasaka at mga mangingisda natin ay kulang na kulang sa mga kagamitan at kaalaman. Hindi rin agad naalagaan ng ating gobyerno and kultura sa pagsasaka at pangingisda kaya’t dahil narin sa pagunlad ng ibang pangkabuhayan, wala nang mga Pilipino ang nais pang magsaka at mangisda.

Naitanim sa puso’t at isipan ng mga Pilinong kabataan na ang pangingisda ay gawaing mahirap at ng mga mababang uri sa lipunan. Ngunit sa katotohanan, ang mga negosyante ay nagkakandarapa rito upang pagkakitaan. Isa ito sa pang araw-araw nating pangangailangan, kaya’t ang demand dito ay hindi nauubos. Naibaling ng ating makabagong kultura ng kapitalismo ang ating kabuhayan sa ibang paraan, tulad ng  pag pasok sa mga callcenter, sa mga magagarang opisina sa Makati, o dili naman kaya sa pangingibang bansa. Itinanim sa ating puso’t isipan na ang pagsasaka at pangingisda ay isang mababang uri ng trabaho, gamit ang mga libro, television, radio at ibang medium ng komunikasyon.

Dahil dito, marami sa mga Pilipino ay iniwan ang pangingisda, kaya’t naman ngayon sinasamantala ito ng mga iba’t ibang mayayamang mamumuhunan. Wala namang problema kung kapwa natin sila Pinoy, ngunit ang nakakalungkot dito ay hindi, sila ay mga banyaga karamihan sa kanila ay mga Koreans, Taiwanese, Chinese at mga Indian. Sinasamantala nila ang korupsyon sa mga local na pamahalaan, mababang pasahod ng mga Pilipino, kakulangan natin sa kaalaman at kahinaan ng mga magsasaka at n gating mga mangingisda. Ang iba namang kapwa nating mga Pilipino na nag invest dito ay hindi kayang makipagsabayan sa mataas na tax, bayarin at mga penalty na ipinapataw ng Local na pamahalaan sa kanilang mga negosyo. Instead na palaguin ng Local na pamahalaan ang ating mga local na mamayan ay lalo nilang ibinabaon ito sa bayarin kayat ang resulta ay pagbagsak nating mga Pilipino. Isina sabay kasi nila sa mga banyagang mamumuhunan ang tax,  penalty at bayarin ng mga local nating negosyante. Kayat hindi nila kayang makipag kompetensya sa merkado.

Sa aking palagay kulang parin ang implementasyon ng mga batas, na sanay tutulong sa ikakaunlad ng ating bayan. Dahil hindi ito naipapatupad ng ating local na pamahalaan.

Ang fishkill na nangyari sa taal lake at iba pang parte ng Pilipinas ay isang pang gising sa ating Gobyerno na kumilos at batukan isa isa ang mga Mayor na ganid sa kanilang pwesto at yumaman na sa korupsyon sa kanilang lugar. Ako’y natatawa sa mga Mayor na pinakikinggan ko sa ANC sa Senate Probe, kung pano nila idinidepensa ang kanilang mga sarili, sana’y totoo ang mga narinig ko ngunit malamang ang iba sa kanila’y sinungaling. Nagising sila sa bangungot na sila mismo ang gumawa, may isang mayor pa dito na idinidepensa na magaling ang kanyang ginawa “Inililipat raw niya ng Location yung mga isda para hindi mawalan ng Oxygen kaya daw yung mga bangus lang ang apektado hindi mga Tilaptia nila” sa sabi nya “KAHIT ISA PONG KILO WALANG NAMATAY SA MGA ALAGANG TILAPIA PO NAMIN” Nakakatuwa sya dahil hindi nya naiintindihan ang sinasabi ng eksperto mula sa UP na ang apektado ay ang buong LAWA hindi lang yung lokasyon nila.

Ang BUONG fish kill ay resulta ng pagwawalang bahala ng local na pamahalaan sa kalikasan, napakarami nilang ina approve na mga permit at hindi ito iniinspection ng DA (Dept. of Agriculture ) office nila. Dahil ang mga fish pen at fish cages ay nagdadala ng napakaraming pera sa kanilang bulsa pinabayaan nila ang kalikasan  at winalang bahala ito. Samantalang nagdidiwang sila ganun din an gang mga banyagang mamumuhunan dahil naisahan nila ang mga Pilipino. Sila ang gumagamit ng mga natural resources natin na dapat sanang mga Pilipino ang nakikinabang. Binubuhay natin ang mga banyaga, samantalang  walang makain at halos maging alipin ang mga Pinoy na dapat sanang namamanasa ng ating likas na yaman. Inabuso na, inalila pa. Pinalalabas ng mga walang pusong dayuhang ito na sila ang tumutulong sa atin, samantalang iligal ang kanilang pagtatayo ng mga negosyo nila dito sa ating bayan.

Hindi ko alam kung bakit ito pinahihintulutan ng mga tao sa ating gobyerno. Unti-unti nilang binebenta ang Pilipinas sa ibang bansa. Kung mag magayon ay walang malinaw na tinatahak ang ating bayan.

Dahil sa labis nilang kagahaman sa pera ay sabay sabay silang gumising sa isang masakit na katotohanan, kapwa ang buwaya sa gobyerno at ang gahaman na mamumuhunan ay namulat sa isang malawakang fish kill sa kanilang lugar. Sa pang aabuso nila sa kalikasan binalikan sila nito ang masama dito ay nadamay ang ibang isda na native sa lugar. Lumutang ang kanilang mga kasalanan sa lawa at nagdulot ng matinding pagkalugi sa mga namuhunan dito. Kahihiyan naman para sa local na pamahalaan at kaliwat kanang puna sa kanilang ginagawang pamamalakad. Ang iba namang mga namumuno sa baying ito ay may mukha pang iharap sa Senado na para bang nagmamalinis at mahusay pa ang kanyang ginawang pamamalakad.

Bunsod ng mga fish kill mas nalagay pa lalo sa peligro ang pamumuhay ng ating mga kababayang mang mang sa katotohanang nagamit sila at ginawang alipin ng mga kapitalistang walang puso at ng kanilang local na pamahalaan. Sila pa ang pinaglinis ng mga kulungang, masasang sa ilong at delikado sa kanilang kalusugan. Sa halagang 200 pesos per day o ($4 a day ) ang kawawa nating mga kababayan ay nagpapaka puyat, nagtitiis sa mabahong amoy ng mga kasalan na dulot ng mga MAPANG abusong amo at ng mga walang puso at utak nilang mga Lokal na Leader. Kalunos lunos ito dahil, maging sila mismo ay namulat na maaring mawala ang kanilang pagkakakitaan at bulag rin sila sa katotohanang sila ay naisahan.

Ang nangyaring fish kill ay nag-ugat  sa sobra sobrang pag lalagay ng mga isda sa iisang lugar, dagdag pa dito ay ang mga industrial feeds na pinapakain sa kanilang alaga ay nag padami ng mga plankton sa lugar na isa sa naging sanhi ng pagka ubos ng Oxygen sa tubig. Dahil sa hindi na kayang suportahan ng lawa(taal lake) o ng dagat (Pangasinan)

Marapat sanang ang local na pamahalaan ay gamitin ang lokal nilang populasyon sa mahusay na paraan. Gamitin din nila at linangin ang ating mga natural na kayamanan upang mapaunlad ang sarili nating mga kababayan. Dahil dito magiging mganda ang pasok ng kabuhayan para sa lahat at hindi lamang ng iisang sector ng lipunan. Ang mga banyaga sa alin mang bagay ay walang karapatang linangin an gating mga natural na kayamanan. Ang batas ay hindi nagkukulang at nagtatadhanan ng mga pamamaraan ukol dito. Ang nangyayari kasi ay nagagamit ng mga banyagang kapitalista ang kanilang mga asawang Pilipino upang maka access sa ating mga natural resources at gawing kabuhayan ito nila na madalas sa mga ito ay illegal.

Samantalang naghihirap ang iba nating mga kababayan sa paghanap ng kabuhayan mula sa ating mayamang bansa, nag lipana ang mga walang puso at utak na mga individual sa ating gobyerno, na ang iniisip lang nila ay sarili nilang bulsa at hindi ang kanilang Bansa at kapwa Pilipino. Ito yung mga kamag anak ni Judas na nagpapahirap sa ating bayan ang ilan sa kanila ay mga abogado, mayayamang elitista, police, heneral atbp. Na mga nag aral sa magagandang institusyon ng ating bayan, mga pinagpipitagan KUNO at mga HONORABLE kuno sa kanilang mga pangalan. Ngunit isa silang mga Failure ng edukasyon at lipunan ng bansang PILIPINAS. Ito yung mga taong nag papasuhol, nanlilinlang at mga tumutulong upang hindi madakip ang mga illegal na activity ng mga banyagang kumakamkam sa ating kayamanan. Nilulusutan nila ang mga batas at mga regulasyon o dili naman kaya ay nag tuturo sa mga linta na makasipsip ng gintong dugo nating mga Pilipino kapalit ang pagiging alipin ng ating ibang mga kababayan.

Muli sa aking akdang ito ay nabigyan kong linaw ang inyong puso at isipan sa mga kaganapan sa ating bayan. Bilang isang mamayang Pilipino hindi ko na kayang magwalang bahala pa sa dami ng mga mali sa ating lipunan.


Posted by aarontestado at 6:18 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment