"A single bullet can kill a person instantly and a Pen can kill thousand more by a single sheet of paper."

Home » Post Item » Isang sulat sa isang Kritiko

Isang sulat sa isang Kritiko

December 11, 2009

Sa aking pananaw hindi dapat natin madaliin ang pagbabago sa ating bayan. Walang bansa na nakakuha ng mabilis na pagbabago ng hindi dumaan sa madalim na sandali ng bansa nila. Halimabawa nalang dito ang Amerika bago nila nakamtan ang ganap na pagiging bansa nila ay dumanas sila ng bagsik sa kamay ng mga Briton at Isang civil war ang naganap.

Ang buong Pilipinas ay bumubuo sa mahigit sa 100 milyong tao na karamihan ay kulang ang edukasyon. Ang isang taong walang edukasyon ay walang alam sa sistema ng Pulitika (sunod lang sila sa agos) ang katwiran nila “Hindi ko buhay yan buhay nila yan” o dili naman kaya “Sila sila lang naman din dun bakit pa ko lalahok sa pagboto.”  Ano ang pinatuturing ko sa mga nabanggit ko? Ang punto ko ay kailangan natin isulong ang magandang edukasyon sa aitng mga kababayan. Makilahok tayo sa mga rally upang hikayatin ang gobyerno na bigyan ng libreng edukasyon ang lahat ng pilipino Mula sa pinakamamababang panimula hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong paraan, ang mga pilipino ay magiging kapaka pakinabang na tao sa lipunan. Dahil dito magkakaroon sila ng kamulatan sa mga bagay bagay, lalo na sa sistema ng ating bayan. Wag kang magagalit sa akin ngunit kung may time ka magtanung ka sa isa sa mga naglalakd sa kalsada “isang tipikal na pinoy” itanong mo kung ano ang alam nila sa gawain ng Husgado, Presidente at ng Kongreso. Malamang hindi nila alam.

Ang sistema sa ating konstitusyon ay maganda, ngunit may mga punto dito na kailangan tuunan ng pansin ng mga mambabatas katulad ng “Political Dynasty” para itong switch na i on at off kailangan nilang bigyan ng ngipin bago ito ipatupad sa lahat. Alam natin na hindi mangyayari ito kung hindi tayo kikilos para ipaalam sa kanila na marami tayong tutol dito. Sa isang demokrasyang pamayanan kailangan ng pinakamaraming boto para bigyang diin o pabor ang isang bagay. Iyan ang sistema, Kung babasahin mo ang konstitusyon napaka ganda nito. Nagkakaroon lang ng pagkukulang sa implementasyon nito. Maraming punto ang ating konstitusyon ang nababalewala dahil sa mga gahaman nating mga pulitiko.

Isa sa halimbawa nito ay ang pagpapababa kay dating pangulong estrada:

 

Ang isang taong edukado ay hindi maloloko may kasabihang “Ang hindi alam ng utak, ay hindi nakikita ng mata” kaya dapat ipaalam natin sa tao ang hindi nila alam para silay lumahok sa gawain para sa kanilang bayan. Itoy ating makakamtan hindi sa tabak kundi sa panulat. Sa ngayon tulad ng ginagawa ng NDF hindi nila matatalo ang gobyerno natin dahil sa kakulangan sa pananalapi at lohistika. Saan sila kukuha ng bala? o supporta ng tao? Sa aking pananaw ang layunin at hangarin ng NDF ay hindi na napapanahon sa ating pamayanan kayat dapat silang gumawa ng pag balangkas upang mai uri sa panahon ang kanilang mga hangaring pambayan.

Masyado na ang epekto ng Kapitalismong pamamalakad sa ating bayan, mahirap na mabago ang takbo ng lipunan sa pamamagitan ng isinusulong ng NDF, kahit ako hindi ako pabor sa kanilang gustong mangyari na uring mangagawa at unring magsasaka ang magiging pangunahing tao sa lipunan. Ang mga aral ng kumunismo ng MAO ay hindi na napapanahon sa atin. Nasaan ang demokrasya? Nasaan ang kalayaan kong mamili ng gusto ko gawin? Mawawala ito sa isinusulong ng NDF. Kahit na anong galang mo o ano pang bait mo sa gawa sa salita at isip hindi kaya ng NDF na matanggal sa tao ang ganap niyang kalayaan.

Ang solusyon ay ang isang kumunidad o lipunan na hindi gumagamit ng kapitalistang pamamaraan, isang lipunanang pantay pantay at walang galit sa isat isa. Lahat pwedeng mong gawin sang ayon sa pinagkasunduang batas ng lahat. Isang lipunang hindi gumagamit ng pera. At ipinahiwatig ko na ito sa aking blog sa http://aarontestado.i.ph “Perfect Society” at perfect Humanity.

Hindi natin makukuha sa mabilisan at sa madahas na pamamaraan ang bagong sistema. Kaya dapat makilahok tayo sa ating bulok na gubyerno para mabago ito. Nasa tao ang pagtutulak ng bagong gobyerno at wala sa baril na isinusulong ng NDF.

Sana’y nabigyang linaw kita sa mga banggit ko dito sa sulat ko.


Posted by aarontestado at 5:04 pm | permalink

Previous Comments

i love ur site…. hope it will remain for revealing the truth within our country…… you have proven that anyone can do anything to lighten everyone’ s mind…

Posted by Mel John at January 26, 2010, 7:31 pm

WALANG KATAPUSANG CORRUPTION, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawatisa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, SILANG patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.

Posted by ROY at April 17, 2010, 4:25 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment