"A single bullet can kill a person instantly and a Pen can kill thousand more by a single sheet of paper."

Home » Archives » 19. October 2008

Isip Mulat

October 19, 2008

By Aaron Testado

Ang hangin ay malakas habang ang araw ay unti-unting bumababa sa mga luha ng dagat. Dumidilim ang langit na ani mo’y lalamunin ang
lahat ng nasa parang. Pero saan ka tatakbo? Magkukulong sa iyong bahay? Sa
bagyong malakas ika’y sasabay sa iyong hangganan kahit na ano ang iyong gawin
ay haharapin mo kanyang bagsik at tatanggapin mo ang kanyang sakit. Paano ba
mabuhay sa mundong magulo? Masagot man ito ay marami paring tanong sa paligid
ng tao.

 

Maalaman mo ba ang mga taong bumubuo ng buhay mo sa mahabang
panahon? Kilalanin natin ang isang taong ito? Isang bata, walang muwang sa
mundo ang alam ay ang masayang pamumuhay at nang siya’y magising ay namulat at
nakitang ang kulay ng mundo. Balikan man nya ang kahapon ay hindi niya
mabibigyang kasiyahan ng buhay dahil nakita na nya ang sekreto ng mundo. Saan
ka magsisimula kung mahulog ka sa balong malalim? Malalim at alam mong walang
hihila sa iyo kundi ang iyong kapalaran? Taglay mo man ang buhay na walang
hanggan ay hindi mo maabot ang gusto ng iyong puso dahil sa walang hanggan
nitong taglay. Pagkatapos mong makamit ito saan ka na? Hindi ba wala? Ikay
mapapagod lamang at maghihintay ng iyong wakas ngunit hindi ito darating.

 

Maupo ka isang bubong at iyong makikita ang buhay mong
taglay sa bawat sulyap sa parang ay iyong maaaninag ang mga araw na nagdaan sa
iyong buhay, simula ng sumikat ang araw sa silangan at kung paano ito bababa sa
likod ng mga bundok. Isipin mong maiigi kung bakit bundok at hindi tubig doon
mo lang ako maintindihan. Sa pagkakataong ito ilapit mo ang aninag ng iyong
isipan sa mga palay at makikita mong mayroon na silang taglay na butil, maiisip
mo kung paano ka natututo sa mundo na parang bigas. Tingnan mo ang bukid sa
malayo, makikitang mong magkakatulad sila ng itsura kahit na iba-iba sila ng
sukat. Pero silang lahat ay parepareho sila’y pinag buhusan ng pawis upang ang
tao’y may makain sa araw araw ng buhay nya sa ilalim ng araw. Ganyan ang buhay
ng tao isang kahig isang tuka kahit na sabihin mong ikaw ang pinaka mayaman sa
mundo.

 

Masdan mo ang mga hayop sa iyong paligid walang muwang.

Para

silang bata sa mundo na napaka kritikal, hindi nila
iniisip ang para sa bukas dahil alam nila na ang kailangan nila para bukas ay
makukuha sa paligid. Samantala ang tao ay nagiimpok ng kanyang makakain hindi lamang para bukas kundi sa
buong taon. Yan ang kaibahan ng hayop at tao, ang tao’y kukunin nya ang lahat
para sa ikakapanatag ng kanyang puso ngunit ang hayop ay kuntento sa kanyang
sarili.

 

Sisirain mo ba ang iyong sarili upang masunod ang lahat ng
batas pang relihiyon? Hindi ba ang tao’y hindi perpekto maging ang mga banal ay
nagkakasala rin? Gayon pa man ay pinipilit ng tao na magtago sa likod ng
relihiyon upang matakpan nya ang dungis ng kanyang buhay. Dahil dito nagiging
magulo ang mundo, kahit na ang tao’y isang espeye ay hindi nagiging ganun dahil
sa pagkakawatak watak sa pananaw at grupo. Isipin mo maigi ang mundo ng
pagkakaisa at kung papano tatakbo ang mundo ng ganoon. Maabot natin ang ganap
nating pagunlad na hindi nakita sa lahat ng espesye ng mundo.

 

Nasaan ka na bata sa iyong paglalakbay? Maaninag mo ba iyong
hinaharap? Ikaw ba’y takot o magiging mapusok? Isipin mo na ang bawat butil ng
luha na lumabas sa iyong mata ay may katumbas na bagong pag-asa, ano mang hirap
sa pinagkalagyan mo ngayon ay tandaan na may bukas pang darating. Umasa sa mga
oras na walang pag-asa, magsikap na maging marangal sa anumang paraan. Mabuhay
ng tiwasay at sikaping maging makulay ang yugto ng iyong buhay. Ibaon mo sa limo tang kahapon at magsimula
muli dahil ang araw ay sisikat muli hindi sa araw ng ngayon dahil iyon ay tapos
na kundi para sa araw ng bukas.

 

Isiping mo ang mga sanga ng puno at makikita mo ang
pagkakaugnay ng bawat tao sa mundo. Dahil ginawa nya ang bawat isa at
hinulmahan nya ng kanyang kawakasan. Akala ng bata ay bawat galaw ng kanyang paa
sa mundo at bawat naisin ng kanyang puso at gawa nya. Iyan ay isang malaking
kahangalan dahil ang puno ay hindi tatayo ng walang nagtanim sa kanya sa
anumang paraan. Ang bawat isa sa atin ay walang katulad sa tamang oras at sa
tamang pagkakataon.

 

Kaya bata maging masaya ka at tanggapin mo mga pagsubok mo
sa mundo maging mahapdi man at masakit. Gawin mong makulay ang iyong buhay dahil
iyon ang parte mo sa buhay. Buhay na hindi natin pinili ngunit heto tayo ay
humihinga at nagpapasalamt sa buhay.

Posted by aarontestado at 11:48 am | permalink | Add comment